Quantcast
Channel: Science and Environment – UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 218

Isang Grupo ng mga Arkitekto, May Mabisang Paraan para Makatulong sa Kalikasan

$
0
0

Ang paglulunsad ng pakikipagtulungan ng Philippine Institute of Architects (PIA) sa Department of Environment and Natural Resources sa pagtatanim ng puno sa ilalim ng National Greening Project ng pamahalaan. (UNTV News)

MANILA, Philippines — Isinusulong ngayon ng isang grupo ng mga arkitekto ang mas mabisang paraan upang makatulong sa pagpreserba sa kalikasan.

Aminado ang Philippine Institute of Architects (PIA) na ang mga arkitekto ang isa sa pinakamalakas kumonsumo ng kahoy dahil sa mga ginagawa nilang disenyo.

Ayon kay Arch. Joel Vivero Rico ng PIA, isinusulong ng kanilang grupo na bawasan ang paggamit ng kahoy.

“Lately, hindi na kami masyadong gumagamit. Ang frameworks namin ngayon mga bakal na sometimes plastic binabawasan na namin ang paggamit ng kahoy, unfortunately hindi naman maalis yung paggamit pero at least ma-minimize.”

Isa pa sa proyekto ng grupo ay ang pakikipag-partner sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) upang makatulong sa National Greening Project ng kagawaran.

“Ito na yung pagkakataon na makatulong kami, maaaring samin nahuhuli na ito pero hindi pa naman siguro huli para makasama kami sa programa ng gobyerno,” dagdag pa ni Rico.

Samantala, pinagaaralan ngayon ng DENR na taasan ang parusang ipapataw sa mga illegal logger bilang bahagi ng isinusulong na hakbang ng kagawaran upang mapangalagaan ang kalikasan.

Ayon kay DENR Asec. Rommel Abesamis …“kung ito ay bibigyan ng mas mabigat na penalty hindi lamang six years o to twelve years ay baka sakaling matakot na yung mga illegal loggers.”

Tiwala naman ang kagawaran na maaabot nito ang target na muling buhayin ang namamatay na kagubatan ng bansa. (Mon Jocson & Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 218

Trending Articles