AGUSAN DEL SUR, Philippines – Namatay na ang itinuturing na pinakamalaking nahuling buwaya sa buong mundo.
Kinumpirma ni Bunawan, Agusan Del Sur Mayor Edwin Elorde na idineklarang patay na si Lolong ng Davao Crocodile Park.
Si Lolong na nahuli sa Bunawan noong 2011, ay may laking 6.2 metro o 20 talampakan at 4 na pulgada, batay sa pagsukat ng Australian Zoologist na si Adam Britton.
Nahuli si Lolong ng tatlong professional hunter makalipas ang tatlong linggong paghahanap dahil na rin sa sunod-sunod na pag-atake sa mga alagang hayop at umano’y pagpatay sa dalawang residente ng Bunawan.
Sumikat si Lolong matapos mapabilang sa Guinness World Records bilang “world’s biggest crocodile in captivity.” (UNTV News)