
Ibinilang ni Pangulong Benigno Aquino III sa listahan ng mga national scientist ang apat na Pilipino na nakapag-bigay ng mahalagang kontribusyon sa agham at teknolohiya (UNTV News)
MANILA, Philippines — Ang Pilipinas ay isa sa mga itinuturing na second biggest mango exporter sa mundo.
Umaabot sa halos pitong porsyento ang share ng Pilipinas sa mango export industry.
Kahit saang probinsya sa Pilipinas, makikita ang iba’t ibang klase ng mangga, may malaki at maliit, iba’t ibang klase.
Ang dahilan ng paglaki ng produksyon ng mangga ay dahil sa horticulture expert na si Dr. Ramon Barba.
Si Barba ang nakaimbento ng paraan upang lalo pang mapamulaklak ang mga puno ng mangga gamit ang potassium nitrate dahilan upang maging triple ang produksyon ng mangga sa Pilipinas.
Dahil sa makabagong paraan na ito, kinilala sa mundo si Dr. Barba.
“We are number sa export ng mango, but Mexico 41 percent of the world trade, tayo 7 lang,” ani Dr. Barba.
Isa lamang si Barba sa apat na siyentipiko na ginawaran ni Pangulong Benigno Aquino III kahapon, Martes, sa Malacañang ng Order of National Scientist na nagbigay ng mahahalagang kontribusyon sa agham at teknolohiya.
Ang mga bagong nakasama sa listahan ng mga kinikilalang nabubuhay na siyentipiko sa bansa ay sina Dr. Gavino Trono at Dr. Edgardo Gomez, mga marine biologist.
Si Dr. Angel Alcala na isang eksperto sa biological science. Siya ang kauna-unahang Pilipino na naglaan ng komprehensibong pag-aaral sa mga reptilya at amphibians sa Pilipinas.
Sa kasalukuyan umaabot na sa 17 ang living national scientist ang kinikilala ngayon sa Pilipinas. (Nel Maribojoc, UNTV News)