Quantcast
Channel: Science and Environment – UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 218

Publiko, pinag-iingat sa heat exhaustion ngayong tag-init

$
0
0
FILE PHOTO: Isang maglalako ng pagkain sa sa Luneta Park sa ilalim ng tirik na araw. (PHOTOVILLE International)

FILE PHOTO: Isang maglalako ng pagkain sa Luneta Park sa ilalim ng tirik na araw. (PHOTOVILLE International)

MANILA, Philippines – Pinag-iingat ng Department of Health (DOH) ang publiko laban sa heat exhaustion sa pagpasok ng panahon ng tag-init.

Ayon kay Health Undersecretary Eric Tayag, dapat iwasan ng publiko ang pagbilad sa araw ngayong umiinit na ang temperatura sa bansa.

Sa tala ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), umabot sa mahigit 34-degrees celsius ang temperatura sa bansa nitong nakaraang araw na siyang pinakamataas ngayong taon.

Ayon sa DOH, sakaling makaranas ng  panghihina, pananakit ng ulo, pamumula ng balat at pakiramdam na parang nilalagnat ay agad na pumasok sa loob ng bahay, uminom ng malamig na tubig at humiga na bahagyang nakataas ang paa.

Agad ring hubarin ang damit, pahiran ng malamig na tubig ang balat at lagyan ng ice packs ang pulso, bukong-bukong at iba pang bahagi ng katawan.

Paalala ng DOH na mas mabuting maging maingat ang publiko para maiwasan ang disgrasya ngayong mainit ang panahon. (UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 218

Trending Articles