Quantcast
Channel: Science and Environment – UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 218

Habagat na pinalakas ng Bagyong Henry, dahilan para kanselahin ang ilang byahe ng barko sa Central Visayas

$
0
0

Ikinansela ang mga biyahe ng mga passenger vessel sa Central Visayas dahil sa masamang panahon na dulot ng hanging Habagat na pinagiibayo ng Bagyong Henry (UNTV News)

CEBU, Philippines — Nadagdagan pa ang mga biyahe ng mga passenger vessel sa Central Visayas na nakansela dahil sa lakas ng hangin at malalaking alon sa karagatan.

Ito ay dahil na rin sa epekto ng southwest monsoon o hanging Habagat na pinagiibayo pa ng Bagyong Henry.

Ayon sa datos mula sa Coastguard Cebu, umabot na sa sampung passenger vessel ang nagkansela ng biyahe simula kahapon ala-siete ng umaga.

Halos tatlong daan na rin na mga pasahero ang na-stranded sa iba’t ibang pantalan.

Ang mga biyaheng nakansela ay ang mula Cebu papuntang Baybay Leyte, Hilongos Leyte, Bato Leyte, Kanselado rin ang mga biyahe mula Bantayan patungong Panay Negros, at Cadiz Negros, Hagnaya patungong Masbate, at Tabuelan to Masbate, maging ang biyahe mula Tabuelan patungong Negros Occidental.

Ayon sa PAGASA Mactan, umaabot sa 10-15 metro ang taas ng alon kaya naman hindi pinahihintulutan na makabyahe ang mga maliliit na sasakyang pangdagat.

Samantala, ayon naman sa Department of Education Region 7, na kinansela ang lahat ng antas ng klase sa Negros Oriental.

Bagamat hindi direktang matatamaan ng bagyo ang Central Visayas, inaasahang tatagal pa ang masamang  panahon sa Central Visayas hanggang sa Miyerkules. Kaya naman naka blue alert na ang Office of the Civil Defense Region 7.

Nagbabala ang mga awtoridad sa mga kababayan natin na nakatira sa mga landslide at flood prone areas na magsagawa na ng preemptive evacuation. (Naomi Sorianosos, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 218

Trending Articles