Quantcast
Channel: Science and Environment – UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 218

18 barangay sa Isabela city, Basilan, apektado na ng Coco-lisap

$
0
0
Ang ilan sa mga tanim na niyog na unti-unti ng naaapektuhan ng pesteng Coco-lisap (UNTV News)

Ang ilan sa mga tanim na niyog na unti-unti ng naaapektuhan ng pesteng Coco-lisap (UNTV News)

BASILAN, Philippines– Labing walo na sa tatlumpo’t tatlong barangay ng Isabela City sa Basilan ang apektado ng pesteng coco-lisap.

Ayon sa Philippine Coconut Authority (PhilCoA) Region 9, mahigit isang daang libong puno na ng niyog ang nasira ng peste.

Naapektuhan na rin nito ang mahigit isang libong puno ng saging, mangga, lanzones at iba pa sa lugar.

“Yung data noon na, the total number of trees ravage by coco-lisap, went up from 76,000 to 80,000. Pero kahapon tumanggap ako ng fresh report, coming from the same area. Umakyat na siya sa 92,359 doon sa mga matured pumps at 15,549 sa mga seedlings. So about mga 107,000 na to, ang total number of coconut trees and seedling affected or infested  by coco-lisap”, pahayag ni PhilCoA Provincial Development Manager Efren Carba.

Ang Barangay Lanote ang lugar na lubhang naapektuahan, kung saan nasa 20, 988 na ang sinira ng peste sa kabuoang 45,400 na puno sa lugar.

Ayon rin kay Carba, nagsasagawa na sila ng mga hakbang para masugpo ang coco-lisap. Katulad ng pruning, root absorption, trunk injection at cochin spraying.

Ayon sa ahensiya, pinag-igting na rin nila ang monitoring sa lahat ng mga entry points sa Zamboanga City upang hindi makapasok ang coco-lisap sa siyudad.

“Pinaigting na ng Plant Quarantine Office yung pagmomonitor doon sa incoming items na galing sa Basilan like coconut seedlings or other plants”, ani Carba.

Samantala, umaasa naman ang ahensya na matatanggap na nila sa lalong mnadaling panahon ang pondo na kanilang gagamitin sa pagsugpo sa coco-lisap.

“Kailangan yung i-address natin dito massive, recessive at saka quick yung response natin. Hindi natin pwedeng dahan-dahanin ito, kasi di natin mahabol yung pag-spread. Kailangang i-kordo na natin ito gamitin natin yung spraying chemical, trunk injection, lahat na.” (Dante Amento, UNTV News)

 


Viewing all articles
Browse latest Browse all 218

Trending Articles