Quantcast
Channel: Science and Environment – UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 218

Water level sa Magat Dam, mabilis na bumababa

$
0
0

Bahagi ng Magat Dam makakikitaan ng mababang water level (UNTV News)

ISABELA, Philippines — Patuloy ang mabilis na pagbaba ng water level sa Magat Dam sa probinsya ng Isabela.

Ayon sa pamunuan ng National Irrigation Administration (NIA) Dam and Reservoir Division, kung magpapatuloy ang mainit na panahon at hindi uulan ay aabot na sa critical level ang tubig sa dam sa loob lamang ng mahigit isang linggo.

“Kung tatlong araw isang metro siyam na araw gagamitin na tubig para maabot yung 160, yung power generation natin magsu-supply pa rin ng tubig para sa irrigation kaya lang hindi na kaya dahil limitado na,” pahayag ni Emmanuel Salamanca, Magat Dam Senior Engineer.

Alas-9 ng umaga kanina, nasa 166.68 ang water level sa Magat Dam, mataas lamang ng ilang metro sa critical level nito na 160 meters.

Ayon kay Salamanca, aabot sa mahigit 80-libong ektaryang sakahan ang umaasa sa patubig galing sa naturang dam mula sa 20 bayan kabilang dito ang bayan ng Alicia, Angadanan, Cabatuan, Cauayan, Luna, Naguillian, Reyna Mercedes, Ramon, San Isidro at ang Santiago City.

Dagdag pa ni Salamanca, naantala na ang planting schedule ng mga magsasaka na umaasa sa patubig na galing sa naturang dam.

Unang linggo pa lamang ng buwan ng Mayo ay dapat nakapag-handa na ang mga magsasaka sa pagtatanim subalit dahil sa kakulangan ng tubig sa dam ay nadelay ang pagtatanim nila para sa wet season.

Ayon sa tala ng NIA, naitala ang pinakababang water level sa Magat Dam noong 1991 na umabot sa 149 meters. (Grace Doctolero / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 218

Trending Articles