Quantcast
Channel: Science and Environment – UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 218

Planong pag-preserba sa katawan ni Lolong, hindi pa rin nasisimulan

$
0
0
Ang frozen na ulo ng tinagurian largest crocodile in captivity ng Guinness Book of World Records na si Lolong noong nabubuhay pa ito.  (RITCHIE TONGO / Photoville International)

Ang frozen na ulo ng tinagurian largest crocodile in captivity ng Guinness Book of World Records na si Lolong noong nabubuhay pa ito. Dahil sa madalas na brownout sa Agusan Del Sur ay inilipat ang mga labi ni Lolong sa Davao Crocodile Park. (RITCHIE TONGO / Photoville International)

DAVAO CITY, Philippines — Pinangangambahang tuluyan nang masira at mabulok ang ulo at balat ng pinakamalaking buwaya sa buong mundo na si Lolong kung hindi gagawan ng aksyon ng lokal na pamahalaan ng Bunawan, Agusan Del Sur at National Museum.

Ayon kay Philip Sonny Dizon, ang may-ari ng Davao Crocodile Park, halos limang buwan na ang nakalilipas nang mamatay si Lolong at hanggang ngayon ay hindi pa rin nasisimulan ang planong pag-preserba sa katawan ng higanteng buwaya.

Nananawagan si Dizon sa lokal na pamahalaan ng Bunawan, Agusan Del Sur at sa national government na umpisahan na ang pagpipreserba sa buwaya habang maaga pa.

“I’m asking the authorities to already take lolong off my hands and taxiderm it and continue with the preservation of lolong as is.”

Ayon kay Dizon, nakahanda naman siyang pangunahan ang pagpepreserba sa ulo at balat nito kung wala pa ring gagawing aksyon ang lokal na pamahalaan ukol dito.

“It’s the biggest crocodile in the world sino ba namang hindi masasayangan nung namatay siya sayang, ngayon na puwede namang ipreserve sayang din I’m asking everybody the local government, the national government, the National Museum if your not interested with it, I will taxidermy it.”

Nilinaw naman ni Dizon na inilihim nila na nasa kanilang pangangalaga ang labi ni lolong upang hindi pagkaguluhan ng mga tao.

Sa ngayon ay hawak na muli ng Davao Crocodile Park ang record sa may pinakamalaking buwaya sa Pilipinas na si Pangil. (Louell Requilman / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 218

Trending Articles