Quantcast
Channel: Science and Environment – UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 218

Maagang selebrasyon ng World Earth Day, pinangunahan ng Miss Earth Philippines candidates

$
0
0
Ang ilan sa mga kandidata ng Miss Earth Philippines sa kanilang paglibot sa Pasig River bilang pakikibahagi sa pagdiriwang ng Earth Day. (UNTV News)

Ang ilan sa mga kandidata ng Miss Earth Philippines sa kanilang paglibot sa Pasig River bilang pakikibahagi sa pagdiriwang ng Earth Day. (UNTV News)

MANILA, Philippines – Sa Lunes pa, Abril 22, ang selebrasyon ng World Earth Day ngunit nauna nang nagdiwang ang mga kandidato ng Miss Earth Philippine 2013 sa Mandaluyong City.

Kasama ng mga kandidata si reigning Ms. Earth Philippines 2012 sa pagpapakita ng suporta sa adbokasiyang pangangalaga sa kalikasan.

Bilang pagpapamalas ng kanilang suporta sa Pasig Rehabilitation Project, nilibot ng mga kandidata ang isang bahagi ng Pasig River nitong Huwebes.

“It’s nice po because we were able to parade and catch people’s attention of our advocacy to save Pasig River,” pahayag ni Ms. Philippines-Earth Stephany Stefanowitz.

Namahagi rin ang mga kandidata ng mga informative video na nagpapakita ng mga dapat gawin ng mga residente malapit sa tabi ng ilog kapag tumataas na ang tubig.

Kasabay nito ang paglulunsad ng Pasig Patrol Units at training seminar sa mga livelihood project.

“Natutuwa po ako kasi ang advocacy ko po ay sustainable management of fresh water resources and ang river po kasama po doon so i am very much inspired at talagang naempower po ako to make a difference,” pahayag ni Ms. Earth candidate Harriene Banaybanay.

Samantala, ipinahayag ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na matatapos na sa susunod na buwan ang konstruksyon sa phase 2 ng Pasig rehabilitation.

Sinabi ni Ahwel Paz, Media Specialist ng Pasig Rehab na naging mabilis ang pagtatapos ng proyekto na kinapapalooban ng pagpapatibay at pagpapaganda ng pampang ng Pasig River. (Francis Rivera & Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 218

Trending Articles