
FILE PHOTO: Si Sierra Leone vice-president Samuel Sam-Sumana sa kanan (naka-puti), kasama si president Ernest Bai Koroma noong 2012. Photograph: Stringer/Reuters
Boluntaryong nagpa-quarantine si Sierra Leone Vice President Samuel Sam-Sumana matapos mamatay ang isa sa kanyang mga bodyguard dahil sa Ebola virus.
Ayon kay Sam-Sumana, tatlong linggo siyang hindi muna makikihalubilo sa iba bilang precautionary measure.
Mabuti naman aniya ang kanyang pakiramdam at walang senyales na magkakasakit subalit gusto nitong makasiguro.
Maging ang ibang staff ni Sam-Sumana ay under observation na rin. Si Sam-Sumana ang kauna-unahang high ranking senior government official sa Sierra Leone na boluntaryong nagpa-quarantine dahil sa banta ng Ebola virus.
Sa ngayon ay halos 10,000 na ang namatay dahil sa Ebola partikular sa apat na West African countries gaya ng Guinea, Liberia, Nigeria at Sierra Leone. (UNTV News)